Noel Cabangon - Ako'y Isang Mabuting Pilipino текст песни

Текст песни Ako'y Isang Mabuting Pilipino - Noel Cabangon



Ako'y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Tumatawid ako sa tamang tawiran
Sumasakay ako sa tamang sakayan
Pumipila at 'di nakikipag-unahan
At 'di ako pasiga-siga sa lansangan
Nagbababa ako sa tamang babaan
Hindi nakahambalang parang walang pakialam
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada
Humihinto ako 'pag ang ilaw ay pula
'Pagka't ako'y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin, whoa, whoa
Hindi ako nangongotong o nagbibigay ng lagay
Ticket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay
Ako'y nakatayo doon mismo sa kanto
At 'di nagtatago sa ilalim ng puno
Hindi ako nagkakalat ng basura sa lansangan
Hindi bumubuga ng usok ang aking sasakyan
Inaayos ko'ng mga kalat sa basurahan
Inaalagaan ko ang ating kapaligiran
'Pagka't ako'y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin, whoa, whoa
Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang
Kaya't pag-aaral ay aking pinagbubutihan
Hindi ako gumagamit ng bawal na gamot
O kaya'y tumatambay at sa eskwela'y 'di pumapasok
Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan
'Pagka't ito lamang ang tangi kong kayamanan
'Di ko ibinebenta ang aking kinabukasan
Ang boto ko'y aking pinahahalagahan
'Pagka't ako'y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin, whoa, whoa
Ako'y isang tapat at totoong lingkod ng bayan
Pabor o lagay ay 'di ko pinapayagan
Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan
Hindi ko ibinubulsa ang pera ng bayan
Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino
Mga karapatan nila'y kinikilala ko
Iginagalang ko ang aking kapwa tao
Ipinaglalaban ko, dangal ng bayan ko
'Pagka't ako'y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Ako'y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin, whoa, whoa
'Pagka't ako'y isang mabuting Pilipino, whoa, whoa
'Pagka't ako'y isang mabuting Pilipino, whoa, whoa
'Pagka't ako'y isang mabuting Pilipino, whoa, whoa
'Pagka't ako'y isang mabuting Pilipino, whoa



Авторы: Noel G Cabangon


Noel Cabangon - Byahe
Альбом Byahe
дата релиза
17-03-2014




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.