Shortone feat. No$ia - Sistema текст песни

Текст песни Sistema - Shortone , No$ia



Nakatingin sa harapan ng salamin
Nagtatanong kung anong kulang saakin?
Kinakain na ng sistema ng pag-ibig
Nawala na ang kilig
At ang init sa dibdib
Sinubukan kong tumingala sa malinaw na mga ulap
Kaso mas pinili ko na yumuko nalang kase ayaw kong mamulat
Ang aking mga mata
Napuwing ng sariling pilikmata
Pilit itinatanggi di ako umiiyak kahit namumula
Unti-unting namumuo ang maitim na balak mo
Bughaw na kalangitan unti-unting nagkukulay abo
Binanggit mo noon sa akin na hindi masama intensyon mo
Kung hindi talaga bakit binihag mo ang damdamin ko?
Bakit ako pa? Bat hindi ka nalang napunta sa iba
Sana ay nalaman ko na di ka iba sa kanila
Pinaikot ng ikot
Gusto kong maikot ang buong mundo
Kaso sayo ako umikot at nagkagulo
Sumabay ako sa agos
Ako′y nagpadala
Daan hindi maayo
Pero itinuloy pa
Kasabay saking paglalakbay
Ikaw ang magsisilbing gabay
Sinubukan kong ipanalo kaso ako ay sumablay
Nakatingin sa harapan ng salamin
Nagtatanong kung anong kulang sa akin
Kinakain na ng sistema ng pagibig
Nawala na ang kilig
At ang init sa dibdib
Sinasabi ng sarili ko sa isip ko
Gusto lang magusap at mapunta sa piling mo
Kinain na ng sistema ng pagibig ko
Tumingin sa salamin
Makita ang mali ko
Di ko na alam kung sinong totoo
Pag ika'y namamasdan noo ko ay nanloloko
Wala nang nararamdaman ang aking puso
Parang kumakanta lang ako ng walang tono
Sana′y kalimutan ang nakaraan
Magdamag sa kalungkutan
Kaw rin ang mawawalan
Ako ay sabik sa bawat oras ng nakaraan
Pero sana'y isipin mo meron nang katapusan
Sinasabi ng sarili ko sa isip ko
Gusto lang magusap at mapunta sa piling mo
Kinain na ng sistema ng pagibig ko
Tumingin sa salamin
Makita ang mali ko
Nakatingin sa harapan ng salamin
Nagtatanong kung anong kulang sa akin
Kinakain na ng sistema ng pagibig
Nawala na ang kilig
At ang init sa dibdib
Nakatingin sa harapan ng salamin
Nagtatanong kung anong kulang sa akin
Kinakain na ng sistema ng pagibig
Nawala na ang kilig
At ang init sa dibdib



Авторы: Shortone


Shortone feat. No$ia - Sistema
Альбом Sistema
дата релиза
18-04-2018




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.