Yeng Constantino - Bulag, Pipi At Bingi текст песни

Текст песни Bulag, Pipi At Bingi - Yeng Constantino



Madilim ang iyong paligid, hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo, sa ′yo'y pinagkaitan
Huwag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan
Hindi nalalayo sa ′yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita, ′di madinig, minsa′y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin, wala sa ′yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, diyan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman
'Di nalalayo sa ′yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
′Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Ano sa ′yo ang musika? Sa ′yo ba'y mahalaga?
Matahimik mong paligid, awitan ay ′di madinig
Mapalad ka, oh, kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo
'Di nalalayo sa ′yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
′Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
′Di nalalayo sa′yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
′Di makita, 'di madinig, minsa′y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Na buhay na banal
Na buhay na banal
Banal



Авторы: Rigor Snaffu


Yeng Constantino - Salamat
Альбом Salamat
дата релиза
31-03-2007




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.