Himig Heswita - Awit Ng Pasasalamat Songtexte

Songtexte Awit Ng Pasasalamat - Himig Heswita




Salamat sa Diyos, at Siya'y ang ating Tagapagligtas;
Kaniyang kabutiha'y ating isasaysay.
Tayo ay magalak, Kaniyang papuri'y aawitin.
Nilupig Niya ang ating mga kaaway.
O makatarungang Diyos, hukom ng sanlibutan.
Tanggulan sa oras ng panganib at kamatayan.
Salamat sa Diyos, at Siya'y ang ating Tagapagligtas;
Kaniyang kabutiha'y ating isasaysay.
Tayo ay magalak, Kaniyang papuri'y aawitin.
Nilupig Niya ang ating mga kaaway.
Sa iyo'y nagtitiwala ang mahal mong bayan.
Ang sa iyo'y dumulog, 'di mo pababayaan.
Salamat sa Diyos, at Siya'y ang ating Tagapagligtas;
Kaniyang kabutiha'y ating isasaysay.
Tayo ay magalak, Kaniyang papuri'y aawitin.
Nilupig Niya ang ating mga kaaway.



Autor(en): Eduardo P. Hontiveros, Sj


Attention! Feel free to leave feedback.