Arman Ferrer - Inay Songtexte

Songtexte Inay - Arman Ferrer




Sa mahinahong paalam ng araw
Sa pag-ihip ng hanging kahapunan
Balabal ko'y init ng 'yong pag-ibig
Sa dapit-hapong kay lamig
Mga bituin kay agang magsigising
Umaandap mapaglaro man din
Iyong ngiti hatid nila sa akin
Sa diwa ko't panalangin
Puso ko'y pahimlayin inay
Upang yaring hamog
Ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping
Halik ng 'yong anak
Ay irog kong inay
Sa palad niyo itago aking palad
Aking bakas sa inyong bakas ilapat
At iuwi sa tahanan kong dapat
Sa piling ng inyong anak
Puso ko'y pahimlayin inay
Upang yaring hamog
Ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping
Halik ng 'yong anak
Ay irog ko o ina kong mahal
Puso ko'y pahimlayin inay
Upang yaring hamog
Ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping
Halik ng 'yong anak
Ay irog ko o ina kong mahal
Ay irog kong inay



Autor(en): Arnel Dc Aquino Sj


Arman Ferrer - Inay (Mga Awit At Panalagin Kay Maria)
Album Inay (Mga Awit At Panalagin Kay Maria)
Veröffentlichungsdatum
08-12-2020




Attention! Feel free to leave feedback.