Himig Heswita - Hesus ng Aking Buhay Songtexte

Songtexte Hesus ng Aking Buhay - Himig Heswita




Sikat ng umaga, buhos ng ulan
Simoy ng dapithapon, sinag ng buwan
Batis na malinaw, dagat na bughaw
Gayon ang panginoon kong Hesus ng aking buhay
Saan man ako bumaling, Ika'y naroroon
Tumalikod man sa 'Yo, dakilang pag-ibig Mo
Sa akin tatawag at magpapaalalang
Ako'y Iyong ginigiliw at s'yang itatapat sa puso
Tinig ng kaibigan, oyayi ng ina
Pangarap ng ulila, bisig ng dukha
Ilaw ng may takot, ginhawa ng aba
Gayon ang panginoon kong Hesus ng aking buhay
Saan man ako bumaling, Ika'y naroroon
Tumalikod man sa 'Yo, dakilang pag-ibig Mo
Sa akin tatawag at magpapaalalang
Ako'y Iyong ginigiliw at s'yang itatapat sa puso
Saan man ako bumaling, Ika'y naroroon
Tumalikod man sa 'Yo, dakilang pag-ibig Mo
Sa akin tatawag at magpapaalalang
Ako'y Iyong ginigiliw at s'yang itatapat sa puso
At s'yang itatapat sa puso





Attention! Feel free to leave feedback.