Micosuabe feat. Mac Mira - Wala Na Ba? (feat. Mac Mira) Songtexte

Songtexte Wala Na Ba? (feat. Mac Mira) - Micosuabe feat. Mac Mira




Gabi-gabi na lang napapaisip
Nalulungkot sa bawat oras, 'di ka kapiling
Nilalamig, hindi maayos sarili
Nababaliw ang utak, 'di ko maipilit
Nakatanim pa rin sa aking isipan
Ang lahat ng ating mga pinagsamahan
Hahayaan na lang ba na kalimutan ang lahat?
(Hahayaan na lang ba na kalimutan ang lahat?)
Mga mata na dati'y sa 'kin lang naghihintay
Na masilayan, 'di payag 'pag 'di ka kasabay
Nakahawak sa 'king bisig, at sabay sulyap ng 'yong mga ngiti
Na para bang isang bituin
'Di ko na mawari, 'di ko rin masabi
Kung sa'n tayo aabutin, sana ay palarin
Sa dami ng plinano, wala na 'yung pangako
Wala na din 'yung dati na saya, naging malabo
Kung kailan sobrang lalim na nadarama
Saka ka pa mawawala, aking sinta
Gabi-gabi na lang napapaisip
Nalulungkot sa bawat oras, 'di ka kapiling
Nilalamig, hindi maayos sarili
Nababaliw ang utak, 'di ko maipilit
Nakatanim pa rin sa aking isipan
Ang lahat ng ating mga pinagsamahan
Hahayaan na lang ba na kalimutan ang lahat?
(Hahayaan na lang ba na kalimutan ang lahat?)
Dati sa tuwing nilalamig
Ang mga yakap ko, sa 'yo lang laging nakapiit
Ayaw maglubay, gusto ikaw lang ang kapiling
Bakit ngayon damdamin naglaho? Hirap isipin
Wala na 'yung dating tayo
Na hindi na matutumbasan
Pagmamahalan natin na inipon
Tila ngayon suntok na lamang sa buwan
Hanggang ngayon ay umaasa pa sa 'yo, sinta
Laging nagtataka kung babalik ka pa
Gabi-gabi na lang napapaisip
Nalulungkot sa bawat oras, 'di ka kapiling
Nilalamig, hindi maayos sarili
Nababaliw ang utak, 'di ko maipilit
Nakatanim pa rin sa aking isipan
Ang lahat ng ating mga pinagsamahan
Hahayaan na lang ba na kalimutan ang lahat?
(Hahayaan na lang ba na kalimutan na ang lahat?)
Wala na 'yung dating tayo na hindi na matutumbasan
Malabo na'ng lahat, ngayo'y suntok sa buwan
Malabo na, yeah-yeah-yeah
Gabi-gabi, gabi-gabi, gabi-gabi na lang napapaisip
Hindi ko hahayaan na maglaho ang lahat at
Gabi-gabi, gabi-gabi, gabi-gabi kang nasa isip, um-um, oh, yeah
Gabi-gabi, gabi-gabi, gabi-gabi kang nasa isip



Autor(en): Jhon Michael Razon Paz



Attention! Feel free to leave feedback.