Songtexte




Sa king pagkakahiga parang ayaw nang bumangon
Ang gusto ko lang ngayon ay matulog maghapon
Sa ginaw ng pakiramdam
Parang nagduduyan sa alon
Parang tinatamad na naman
Ang utak ko lumilipad pero walang laman
Gusto ko magdahilan na wala ng paraan
Pero pag di ka gumalaw walang kahihinatnan
Dahil ayoko na kasing daanan na naman
Alam ko ang problema natin ay walang hanggan
Masaya ka sandali
Iyak habang nakangiti
Bawal ka na magkamali baka mahulog sa hagdanan
Kaya ngayon ako'y medyo takot, bakit kamo
Kahit nasa harap hindi abot, parang gago
Mahina ang loob para subukan mga bago
Laging apektado sa komentong alimango
Minsan habang naglalaba gamit palanggana
Naisip kong magdrama pero nawalan ng gana
At apoy sa paggawa ng kanta parang nawala na
Sana naman ang utak ko sa pagkalunod maisalba
Sa king pagkakahiga parang ayaw nang bumangon
Ang gusto ko lang ngayon ay matulog maghapon
Sa ginaw ng pakiramdam
Parang nagduduyan sa alon
Sabi ng tatay ko bry makontento
Wag daw masyado na maging ambisyoso
At wag kang makinig sa masamang komento
Pero kailangan kritiko para mas gumaling ako
Sabi nga ni dax kailangan mo ng hate
Prerequisite mo yan para ikaw ay maging great
Wag tumigil magcreate kahit pa lang malate
Kailangan lang magwait para tumaas ang rate yeah
Tamad na kong maging tamad
Tamad ay di umuunlad
Kilusan ang pangarap brad
Para pangarap matupad
Tamad pa gusto kaagad
Naghahangad makausad
Paano aabante di naman naglalakad
Sige mangarap kang nakapikit
Pano makikita talukap ng mata magkadikit
Nasa kuarto lang maghapon kahit na mainit
Di lumalabas sa katamaran mahigpit ang kapit
Ah! let go
Sa king pagkakahiga parang ayaw nang bumangon
Ang gusto ko lang ngayon ay matulog maghapon
Sa ginaw ng pakiramdam
Parang nagduduyan sa alon
Sa king pagkakahiga parang ayaw nang bumangon
Ang gusto ko lang ngayon ay matulog maghapon
Sa ginaw ng pakiramdam
Parang nagduduyan sa alon





Attention! Feel free to leave feedback.
Wird geladen
Wird geladen