NOBITA - Gitna Songtexte

Songtexte Gitna - NOBITA




Unti-unting lumiliwanag ang nakikita
'Di mapakali't hiwaga'y nagpakita
'Di mapigil ang patak ng luha sa pisngi ko
Unti-unting nananabik sa paglapit mo't
'Di mapigil ang sabik sa paghakbang mo
Damdamin ko'y nagsusumigaw
Dalangin ko'y ikaw
Tayong dalawa, langit at lupa
Naging isa, nagtagpo sa gitna
Ihip ng hangin sa atin ay nagkusa
May pinipili ang mundo ay para sa atin
Unti-unting lumiligaya sa nakikitang
'Di masukat na biyaya ko na kayakap
Damdamin ko'y nag susumigaw
Dalangin ko'y ikaw
Tayong dalawa'y langit at lupa
Naging isa, nagtagpo sa gitna
Ihip ng hangin satin ay nagkusa
May pinipili ang mundo ay para sa atin
Tumigil man ang pag-ikot ng mundo ay hindi titigil
Ang damdamin kong nagsusumigaw
Dalangin ko'y ikaw
Tayong dalawa'y langit at lupa
Naging isa, nagtagpo sa gitna
Tayong dalawa'y langit at lupa
Naging isa, nagtagpo sa gitna
Ihip ng hangin sa atin at nagkusa
May pinipili ang mundo ay para sa atin
Tayong dalawa ay
Tayong dalawa ay



Autor(en): Jaeson Ronald A. Felismino, Jonathan Agbanlog, Mark Anthony B. Quintero, Nobita, Richmond Christian O. Bancolita, Sam Aquino


Attention! Feel free to leave feedback.