Noel Cabangon - Laging Nariyan Ka Songtexte

Songtexte Laging Nariyan Ka - Noel Cabangon




Paglapit nang taimtim, mabigat ang dalahin
Balisa'y napapawi sa ihip ng hangin
Ikaw ang umaalo sa pusong nalulumbay
Nagbibigay pag-asa't gabay sa 'king buhay
Sa lahat ng buti, wangis Mo'y natatanaw
Sa pagbuhos ng ulan, sa pagsikat ng araw
Laging nariyan Ka, Ikaw ang laging kasama
Bawat patak ng luha, karamay sa tuwina
Laging nariyan Ka, Ikaw ang tanging pag-asa
Sa pagtiklop ng tuhod, may galak
Dahil laging nariyan Ka
Sa isip na pagal, tinig Mo'y silbing awit
Sa pagdaan ng pagsubok, Ngalan Mo'y laging sambit
Sa lahat ng buti, wangis Mo'y natatanaw
Sa pagbuhos ng ulan, sa pagsikat ng araw
Laging nariyan Ka, Ikaw ang laging kasama
Bawat patak ng luha, karamay sa tuwina
Laging nariyan Ka, Ikaw ang tanging pag-asa
Sa pagtiklop ng tuhod, may galak
Dahil laging nariyan Ka
Bawat ngayon, bawat bukas, lahat ng dating nagdaan
Ang pag-asa nitong puso hanggang magpakailanman, kailanman
(Laging nariyan Ka) Ikaw ang laging kasama
Bawat patak ng luha, karamay sa tuwina
Laging nariyan Ka, Ikaw ang tanging pag-asa
Sa pagtiklop ng tuhod, may galak
Dahil laging nariyan Ka
Sa pagtiklop ng tuhod, may galak
Dahil laging nariyan Ka



Autor(en): Aron Romero, Rose Galang



Attention! Feel free to leave feedback.