Ronnie Liang - Para Sa Bayan Natin Songtexte

Songtexte Para Sa Bayan Natin - Ronnie Liang




Sa isang saganang bayan sa silangan
Kalungkuta'y nararanasan
Pagpatak ng luha'y 'di mapigilan
Dahil sa pag subok na pinagdaraanan
Oh bayan ko, kapwa Pilipino
Kami'y bandito para sa inyo
O bayan ko iaalay ang aking puso
Kami ang lalaban para sa inyo
Sundalo kami'y tawagin
Panganib ay susuungin
Kahit na sa alanganin
Itataya ang buhay para sa bayan natin
Bawat unos na nararanasan
'Wag patitinag ating kababayan
Pamilya mo ay nasa 'yong mga kamay
Kaming sundalo ang kaagapay
May sundalo na maaasahan
Sa pagtulong para sa bayan
Ang Diyos ay aming sandigan
Para sa bayan at mamamavan
Mga nag buwis ng buhay
Para sa ating bayan
Kaligtasan, kapayapaan para sa ating lahat
Sundalo kami'y tawagin
Panganib ay susuungin
Kahit na sa alanganin
Itataya ang buhay para sa bayan natin
Iaalay ang buhay para sa bayan natin



Autor(en): Cpl Eric Villareal, Eric Villareal


Attention! Feel free to leave feedback.