The General Strike - Buhay Manggagawa Songtexte

Songtexte Buhay Manggagawa - The General Strike




Paggising sa umaga
Kape ang almusal
Swerte ko na lamang
Kung minsa'y may pandesal
Maligo mang mabuti
Papawisan din agad
Bitin ang pamasahe
Kaya ako'y naglalakad
Kung tao'y yumayaman
Sa sipag at tiyaga
Bakit kaming manggagawa
Lagi pa ring walang-wala
Sampung kahig na
Wala pa ring matuka
Pagpasok sa trabaho
Maghapong inaalipin
Bali na ang buto
Sahod ay bitin pa rin
Habang ang aking amo
Nagrerelaks, nakadekwatro
Kukuya-kuyakoy lang
Ayos na ang buto-buto
Lahat ng kanyang yaman
Kami ang may likha
Ngunit kaming manggagawa
Lagi pa ring walang-wala
Sampung kahig na
Wala pa ring matuka
Hindi sadyang gan'to
Ang buhay manggagawa
Lumilikha ng yaman
Namumuhay ng dukha
Kaya't mga manggagawa
Kumilos na ngayon
Lumaban, makibaka
Itayo na'ng unyon!
Para ang bukas nati'y
'Di katulad ng ngayong
Sampung kahig na
Wala pa ring matuka



Autor(en): The Strike



Attention! Feel free to leave feedback.