Songtexte




Marami na akong oras na ginugol pero lahat ay nasayang, nasayang
Hindi ko maiwasang umiling na lang, nakakapanghinayang, hinayang
Ipihit ko man ang kamay ng orasan pabalik sa panahong makabuluhan
Hindi ko na mapigil ang pagsulat ng kamay ni Kasaysayan, sayang
Isang umagang kay ganda nang ako ay nagising
Sikat ng araw ang tumambad sa aking paningin
Bagong araw na naman, ano ang bagong gagawin?
Kain, tulog na lang ba bago tumitig sa salamin?
Hay, ganito na lang ba palagi?
Araw-araw na lang ang gising ay tinatanghali
Ayaw nang sumubok o kahit magbaka-sakali
Dahil sa isang sulok, ngayon ako'y nakatali
Mabangis na tupang itim
Ang dati na kambing na pinayakap mo sa dilim
Nais ko lang naman sanang subukang magmalalim
Sa pananaw kasi nila, mas malalim, mas matalim
Utak-sipon ay isinga
Kung mulat sana ang lahat ng tao, ay easy na
Sa buhay, hangad ko na sana laging mapahinga
At nang hindi na humaba pa aking buntong hininga
Marami na akong oras na ginugol pero lahat ay nasayang, nasayang
Hindi ko maiwasang umiling na lang, nakakapanghinayang, hinayang
Ipihit ko man ang kamay ng orasan pabalik sa panahong makabuluhan
Hindi ko na mapigil ang pagsulat ng kamay ni Kasaysayan, sayang
Lahat ay nasayang, sayang
Nakakapanghinayang, hinayang
Ipihit ko man ang kamay ng orasan pabalik sa panahong makabuluhan
Hindi ko na mapigil ang pagsulat ng kamay ni Kasaysayan, sayang
Walang araw na lumipas na hindi ako nabagot
Hinihintay dumating ang hinahanap kong sagot
Na hindi lahat ng bawal, masama na panggamot
Nagiging masama ang bawal kung wala nang maabot
Bakit ba ganyan mag-isip
Ang mga nasa trono na madalas kung maiglip?
Kaming uhaw sa pagbabago'y labis nang naiinip
Darating ang araw, patak na lang ating maiigib
Hindi ka ba nababahala?
Ang mayayaman, salapi nila ay naglalawa
Habang mahihirap, lalo nang nagiging kawawa
Ganto ang buhay sa bansa, talagang nakakasawa
Imulat ang iyong mata
Suriin mong mabuti ang sinulat kong kanta
Gugustuhin mo na lang din sana mapahinga
Dahil walang magagawa kundi magbuntong hininga, 'tang ina
Marami na akong oras na ginugol pero lahat ay nasayang, nasayang
Hindi ko maiwasang umiling na lang, nakakapanghinayang, hinayang
Ipihit ko man ang kamay ng orasan pabalik sa panahong makabuluhan
Hindi ko na mapigil ang pagsulat ng kamay ni Kasaysayan, sayang
Lahat ay nasayang, sayang
Nakakapanghinayang, hinayang
Ipihit ko man ang kamay ng orasan pabalik sa panahong makabuluhan
Hindi ko na mapigil ang pagsulat ng kamay ni Kasaysayan, sayang
Lahat ay nasayang, sayang
Nakakapanghinayang, hinayang



Autor(en): John Claude Arciaga, Marco Mandap



Attention! Feel free to leave feedback.
Wird geladen
Wird geladen