Abra feat. Arci Munoz of Philia - Ilusyon Lyrics

Lyrics Ilusyon - Abra feat. Arci Munoz of Philia



Nasa'n na ba ang pagbabago, sa'n? Wala pa rin pala
Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na
Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon?
Nakikipag-plastikan na
Bahala na kayo sa buhay niyo
Basta huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Ilang dekada na ba? Nakapagtataka na
Wala pa ring pagbabago nang pagkatagal na
Imbis na mataranta, aba, nagbabalak pa
Pagtakpan ang matagal nang halatang-halata
Palakihan ng lote, paramihan ng kotse
Para 'di mangamote, bayanihan nang konti
Matapobre, talagang plastikan ang forte
Natutulog sa pansitan na sandigan ng korte
Sakit ng lipunan, kayo ang ebidensya
Sakit, oo, pero ngayon ay epidemya
At sa Pilipinas, ang mga elektibo
Nagpapakabibo at hindi epektibo
Puro salita, pero ni wala man lang pruweba
Magpapakapropeta para walang protesta
Sa nakaraang problema, ano ba ang solusyon
Kung ang lahat ng nakikita ko'y isang ilusyon?
Nasa'n na ba ang pagbabago, sa'n? Wala pa rin pala
Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na
Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon?
Nakikipag-plastikan na
Bahala na kayo sa buhay niyo
Basta huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Walang nakaisip ng nasa palagid
Mabaho, madumi at kadalasan mainit
Tambakan ng basura kahit nasaang gilid
At traffic, para bang kada kalsada, makitid
Laganap na kotongan, susmariya!
Mga driver, tingin sa kanilang bus, tamiya
Bayarang kababaihan para boobs, makita
Ganiyan talaga resulta 'pag kapos sa kita
Kapag umulan, huwag susubukang bumiyahe
Madalas ang pagbaha, may lumulutang na tae
Sandamukal na problema, pupuhunan daw sabi
Tutulungan, tutulugan, tututukan kunyari
Ngayon, sabihin niyo kung nasa'n diyan ang pagbabago
Baka nakasalamin ako, pagkataas ng grado
Kasalukuyang problema, ano ang solusyon
Kung ang lahat ng nakikita ko'y isang Ilusyon?
Nasa'n na ba ang pagbabago, sa'n? Wala pa rin pala
Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na
Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon?
Nakikipag-plastikan na
Bahala na kayo sa buhay niyo
Basta huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Maraming mga kababayang habang-buhay na pagod
'Pagka't hanap nang hanap ng hanapbuhay sa abroad
Iiwan ang pamilya para ang tagumpay, maabot
Nakakaumay ang sagot kaya ako ay nayamot
'Di kayo makapagbigay ng mga trabaho
Kaya 'di dapat kinailangan na mangako
Saan na'ng pagbabago? Taray naman
Imbis na magbagong-buhay, bagong bahay na lang
Habang maraming nagugutom at walang matirhan
At abot-kaya na gamot, wala man lang mabilhan
Edukasyon sa lahat, 'di magawang pagbigyan
Kayo ang boses ng taong 'di niyo kayang pakinggan
Magandang kinabukasan, na-orasan ko 'yon
'Di ba, dapat ngayon ang kinabukasan noon?
Kinabukasan na problema, ano ang solusyon
Kung ang lahat ng nakikita ko'y isang ilusyon?
Nasa'n na ba ang pagbabago, sa'n? Wala pa rin pala
Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na
Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon?
Nakikipag-plastikan na
Bahala na kayo sa buhay niyo
Basta huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag niyo 'kong gagawing tanga
Huwag na huwag, huwag na huwag




Abra feat. Arci Munoz of Philia - Ilusyon
Album Ilusyon
date of release
28-11-2013



Attention! Feel free to leave feedback.