Aicelle Santos - Kapangyarihan Ng Pag-Ibig Lyrics

Lyrics Kapangyarihan Ng Pag-Ibig - Aicelle Santos



Atras-abante, hindi ko maintindihan
Minsan kampante, bigla nalang mawiwindang
Paulit-ulit lang buong maghapon para lang nakakahon
Pawang nagtapon, naubos lang ang panahon
At nang tinawag mo
Inawat mo ang ikot ng mundo
Niyakap mo't binago ang pulso
Hindi mapipigilan ng daluyong
Hindi mababagabag ng dagundong
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal
S'yang nararapat sa puso kong napapagal
Lahat ay kakayanin kong daanan
Kayang-kayang lampasan
Walang hangganan
Ngayon at magpakailanman
'Pagkat tinawag mo
Inawat mo ang ikot ng mundo
Niyakap mo't binago ang pulso
Hindi matatawaran ang pangarap
Hindi mababawasan ang lagablab
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
'Di ko kaya pag wala ka, h'wag na
Sa piling mo ay may pag-asa
Sa piling mo walang iba
Hindi mapipigilan ng daluyong
Hindi mababagabag ng dagundong
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Hindi matatawaran ang pangarap
Hindi mababawasan ang lagablab
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal



Writer(s): Jungee Marcelo


Aicelle Santos - Kapangyarihan Ng Pag-ibig
Album Kapangyarihan Ng Pag-ibig
date of release
06-02-2015




Attention! Feel free to leave feedback.