Bukas Palad Music Ministry - Sa Iyong Muling Pagkabuhay Lyrics

Lyrics Sa Iyong Muling Pagkabuhay - Bukas Palad Music Ministry



Sa Iyong muling pagkabuhay
Buong bayan ay nagdiriwang
Handog Mong buhay,
Dulot ang pag-asang katarungan
At kaligtasan!
Ang lahat ng hirap, tinanggap Mo't binata
Upang kami'y maadya sa tukso at dusto
Mga krus ng aming kapwang dukha at aba'y
Papasaning tila sariling dalahi't alala
Sa Iyong muling pagkabuhay
Buong bayan ay nagdiriwang
Handog Mong buhay,
Dulot ang pag-asang katarungan
At kaligtasan!
Ang lahat ng sakit, hinagkan Mo't pinawi
Upang kami'y mapuno ng galak at ngiti
Ang aming buhay ay alay sa 'Yong papuri
Magbubunyi sa saya at ihahanda ang sarili
Sa Iyong muling pagkabuhay
Buong bayan ay nagdiriwang
Handog Mong buhay,
Dulot ang pag-asang katarungan
At kaligtasan!
Katarungan at kaligtasan!



Writer(s): Lui Morano, Norman Agatep


Bukas Palad Music Ministry - Sa Iyong Muling Pagkabuhay
Album Sa Iyong Muling Pagkabuhay
date of release
15-03-2019




Attention! Feel free to leave feedback.