Bukas Palad - Stella Maris Lyrics

Lyrics Stella Maris - Bukas Palad



Kung itong aming paglalayag
Inabot ng pagkabagabag
Nawa'y mabanaagan ka
Hinirang na tala ng umaga
Kahit alon man ng pangamba
'Di alintana sapagka't naro'n ka
Ni unos ng pighati
At kadiliman ng gabi
Maria sa puso ninuman
Ika'y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw
Tanglawan kami, aming Ina
Sa kalangitan naming pita
Nawa'y maging hantungan
Pinakamimithing kaharian
Maria sa puso ninuman
Ika'y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw
Maria sa puso ninuman
Ika'y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw



Writer(s): Pamela Copus, Randy Copus


Bukas Palad - The Best of Bukas Palad Vol.1 (Songs in Filipino) [Silver Anniversary Edition]




Attention! Feel free to leave feedback.