Calix - Caligula Lyrics

Lyrics Caligula - Calix



Mga lintang nagbabalat-kayo,
Di bibitaw ′gang maubos ang dugo mo
Di bibitaw 'gang makuha ang lahat sayo (Mga parasitiko)
Suot nila ang salitang kaibigan
Bubulungan, lalasunin ang isipan
Akala mo parte ka na ng kapatiran
Tignan mo pag inalog ang salaan
Isa-isa lahat sila ay nahuhulog.
Pagkasindi ng mitsa, mga tulay agad nasunog
Mas masakit pa sa pagkain ng bubog
Tila ba sinaksak ka sa pagkatulog
Kay sakit isipin na akala mo
Nakahanap ka na ng kakampi sa giyera na ′to
Pero oras na sumugod ka sa linya mauna,
Baril nila ay nakatutok na sa likod mo
Mga putang ina nyo, sana di nalang kayo sumama
Sanay ako mag isa, wag nyo na ako bigyan ng pag-asa
Ramdam ko ang iyong pasan
Pero yung akin ba iyong naramdaman?
Nung kinuha mo mula sa bisig ko ang
Mundo, natuwa ka bang ako'y pagtawanan?
Nagpanggap na liwanag apoy mula sa nasusunog na bangkay ni Hudas
Isang pagkakamali, na hindi ko na amoy pag-uugali mo, hudas
Pagbabayarin kita balang araw, kaya ko naman maghintay
Patataasin ang interes, magugulat ka nalang its payback time
Ito'y banta sa katulad mo
Siguraduhin mong lumayo
Kung noon ika′y nakalusot
Mag-isip ka na ngayon



Writer(s): Calix, Serena D.c.


Calix - IKUGAN
Album IKUGAN
date of release
31-05-2018




Attention! Feel free to leave feedback.