Daryl Ong - Ngayon Hanggang Wakas Lyrics

Lyrics Ngayon Hanggang Wakas - Daryl Ong



Ang pag-ibig, kahit 'di mo hanapin pa
Ay kusang dumarating kung para sa isa't isa
Dati-rati ang puso ay nag-iisa
Ngayon ay kapiling ka at 'di na magwawalay pa
Nag-akala na 'di na darating ang isang katulad mo
Ngayo'y kapiling ka at laging narito
Ikaw ang bawat kong pangarap na sadyang walang katulad
Isang pag-ibig na kailanman ay hindi magwawakas
Habang-buhay ka na iibigin nang buong tapat
Sa akin ay ikaw, ngayon hanggang wakas
Ipapangako na hindi ka mag-iisa
Palagi'y kasama mo, ganyan ako sa 'yo, sinta
Hindi ko kaya, sa akin ay mawalay ka
At sana bawat saglit, palagi ay kapiling ka
Nag-akala na 'di na darating ang isang katulad mo
Ngayo'y kapiling ka at laging narito
Ikaw ang bawat kong pangarap na sadyang walang katulad
Isang pag-ibig na kailanman ay hindi magwawakas
Habang buhay ka na iibigin nang buong tapat
Sa akin ay ikaw, ngayon hanggang wakas
Ang puso't kaluluwa ay para lang sa 'yo (para lang sa 'yo)
Palagi ay ikaw ang iibigin ko (iibigin ko), whoa
Ikaw ang bawat kong pangarap na sadyang walang katulad
Isang pag-ibig na kailanman ay hindi magwawakas
Habang buhay ka na iibigin nang buong tapat
Sa akin ay ikaw, ngayon hanggang wakas (ngayon hanggang wakas)
Sa akin ay ikaw, ngayon hanggang wakas



Writer(s): Vehnee Alconaba Saturno


Daryl Ong - Daryl Ong
Album Daryl Ong
date of release
01-01-2015




Attention! Feel free to leave feedback.