Erik Santos - May Minamahal Lyrics

Lyrics May Minamahal - Erik Santos



May minamahal
Bawat taong may damdamin, may minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig
At ngayo'y nagmamahalan ng tapat
'Pag nagmamahal
Bawat sandaling kasiping ka'y anong bilis
Bawat oras ay mayro'ng
Kasaysayang anong sarap, anong tamis
Maligaya nga ang taong nagmamahal
Kaya ako'y napaligaya
Ng tunay na pagmamahal
Ang lahat ng katangian ay nasa sa'yo
Ningning ng mata, lambot ng labi
At ugaling walang kapintasan
Nababalot ng alindog, katawang tunay
'Pag minamahal
Kulay rosas ang paligid ko
Sa tuwi-tuwina nakayakap sa ulap
Buong mundo'y nagagalak
Na mayroong nagtatalik na dal'wang
Pusong nagmamahal
Kaya't tayo'y magpasalamat sa ating kapalaran
Nasa atin ang kaganapang hinahanap
Ng bawat nilalang na may puso rin
Dahil tayo'y hindi magbabago hanggang may buhay
May minamahal
Bawat taong may damdamin, may minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig
Kaya't habang may pag-asa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya
Kung mayro'n ng tunay na minamahal
Ohhh... may minamahal
Bawat taong may damdamin ay may minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig
Kaya't habang may pag-asa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya
Kung mayro'n ng tunay na minamahal
Hooo...
May minamahal...



Writer(s): Willy Cruz


Erik Santos - Your Love
Album Your Love
date of release
01-07-2008




Attention! Feel free to leave feedback.