Freddie Aguilar - Tulungan Natin Lyrics

Lyrics Tulungan Natin - Freddie Aguilar



Ako′y umiiwas sa away at gulo
Maraming maiinit at mahilig sa basag-ulo
Bakit kailangan pang manakit ng kapwa
Kailangan pa bang tayo'y maging siga?
Kung tayo ay talagang matatapang
Bakit hindi natin harapin ang ating sarili?
Sawang-sawa na tayo sa mga palabas
Hukayin naman natin ang nasa ating loob.
Tulungan natin ang mga bulag
Tulungan natin ang mga bingi
Tulungan natin ang mga ligaw
Tulungan din natin ang ating,
Ang ating sarili (Oy!)
Matuto na tayong gumalang sa ating sarili
Matuto na tayong umunawa ng kapwa
Tayo′y magsikap upang tayo'y umunlad
Limutin na natin ang ugaling tamad.
Iwasan na natin ang ating mga ilusyon
Ikalat na natin na tayo'y isang nasyon
Kahit hindi tayo magkakakilala
Tayo′y magkakapatid at magkakasama
(Repeat except last set of chords)
Kahit hindi tayo magkakakilala
Tayo′y magkakapatid at magkakasama
Em-G-D,(B,)Em-break
... sarili!



Writer(s): Mike Hanopol


Freddie Aguilar - Pagbabalik Himig
Album Pagbabalik Himig
date of release
03-06-2009




Attention! Feel free to leave feedback.