I Belong to the Zoo - Para kay Catriona Lyrics

Lyrics Para kay Catriona - I Belong to the Zoo



Lakad niya'y tila pag-agos galing sa bulkan
Tinig at ngiti niya ay dalangin nino man
Sa dahan ng pag-ikot niya ay
Dahan-dahan kong naramdaman
Ako ay ako lang
'Di siya magiging akin kailanman
Busilak ang pusong kay lapit sa maralita
Kita sa kanyang tindig, dinig sa salita
Perlas ng Silanganan at
Ang sansinukob ay siya ang hirang
Ako ay ako lang
'Di siya magiging akin kailanman
Ako'y maghihintay sa pag-uwi mo't pagkaway
Parada ng ngiti mo't nakamit na tagumpay
Habang watawat ay aking winawagayway
Paulit-ulit sa isip ko ay...
Ako'y maghihintay sa pag-uwi mo't pagkaway
Parada ng ngiti mo't nakamit na tagumpay
Habang watawat ay aking winawagayway
Paulit-ulit sa isip ko ay...
Pagtingi'y 'di babalik, ako'y nahihibang
Guhit sa ulap ay naglalaho ang kinang
Pinagpapasalamat at pinagpapasalangit ko na lang
Ako ay ako lang
Buong mundo'y siya ang hirang
Sa panaginip man
'Di siya magiging akin kailanman



Writer(s): Kulas Basilonia


I Belong to the Zoo - Para kay Catriona - Single
Album Para kay Catriona - Single
date of release
27-11-2020




Attention! Feel free to leave feedback.