Janine Berdin - Biyaya Lyrics

Lyrics Biyaya - Janine Berdin



Hating-gabi, hating-araw
Magdidikta'y ikaw, ilalim o ibabaw
Kalahating puno o kalahating ubos
Ikaw ang gagawa ng sarili mong unos
Sa isang malamig na sulok, kaluluwa'y binubulok
Kaliwa't kanan ang pagdaing, sarili ay nilulugmok
Sa isang daang yardang puti, mas kita mo pa ang tuldok
Sino, sino, sino, sino ang talo?
Ba't 'di mo pa subukan? 'Wag bilangin ang kulang
Oras ay 'wag sayangin sa walang kapararakan
Iisa lang ang buhay mo, gamitin mo 'to nang husto
Sino, sino, sino, sino'ng panalo?
Umaapaw-apaw ang biyaya
'Wag mo sanang ipagwalang-bahala
Imulat mo ang isip at diwa
Sa isang iglap, nandito ka, walang hindi magagawa
Ang buhay natin ay isang himala
'Wag kang malunod sa pag-aalala
'Wag mong isipin na ika'y walang-wala
Mayro'n, mayro'n, mayro'n, mayro'ng biyaya
Kapit-patalim o kapit sa panalangin
Ikaw ang pipili kung sa'n ka dadalhin
Medyo hindi o medyo gising
Nakasalalay sa 'yo kung pa'no'ng pagtingin
Ang 'yong kamay, iyong paa, tenga, bibig at 'yong mata
Ang puso mo'y tumitibok, ang baga mo'y humihinga
Walang saysay ang magmukmok, isipin mong mapalad ka
'Di ka, 'di ka, 'di ka, 'di ka kawawa
Bigat ng 'yong pasanin, sa Diyos ipaubaya
Ang 'yong pagsisikap, lakipan mo ng tiwala
Para 'di ka na mahulog, lilipas din ang 'yong tulog
Mayro'n, mayro'n, mayro'n, mayro'ng biyaya
Umaapaw-apaw ang biyaya
'Wag mo sanang ipagwalang-bahala
Imulat mo ang isip at diwa
Sa isang iglap, nandito ka, walang hindi magagawa
Ang buhay natin ay isang himala
'Wag kang malunod sa pag-aalala
'Wag mong isipin na ika'y walang-wala
Mayro'n, mayro'n, mayro'n, mayro'ng biyaya
Oh, oh, whoa, oh (oh, oh, whoa)
Oh, whoa, oh (oh, oh, whoa)
Oh, oh, whoa, oh (oh, oh, whoa)
Oh, whoa, oh (oh, oh)
Oh, oh, whoa, oh (oh, oh, whoa)
Oh, whoa, oh (oh, oh, whoa)
Umaapaw-apaw ang biyaya
Umaapaw-apaw ang biyaya
Umaapaw-apaw-apaw (umaapaw)
Umaapaw-apaw-apaw
Umaapaw-apaw-apaw (umaapaw)
Umaapaw
Umaapaw-apaw ang biyaya
'Wag mo sanang ipagwalang-bahala
Imulat mo ang isip at diwa
Sa isang iglap, nandito ka, walang hindi magagawa
Ang buhay natin ay isang himala
'Wag kang malunod sa pag-aalala
'Wag mong isipin na ika'y walang-wala
Mayro'n, mayro'n, mayro'n, mayro'ng biyaya
'Wag ka nang dumaing
Baka masunog ang sinaing
'Wag ka nang, 'wag ka nang dumaing
Baka masunog ang sinaing
'Wag ka nang, 'wag ka nang dumaing
Baka masunog ang sinaing
'Wag ka nang, 'wag ka nang dumaing
Baka masunog ang sinaing
Umaapaw-apaw ang biyaya



Writer(s): Allen John O. Castro, Bellie Grace N. Gomez


Janine Berdin - Biyaya
Album Biyaya
date of release
27-07-2018

1 Biyaya




Attention! Feel free to leave feedback.