Kuh Ledesma - Noong Unang Panahon Lyrics

Lyrics Noong Unang Panahon - Kuh Ledesma



No'ng unang panahon, ang langit at lupa'y
Magkaratig halos laganap ang tuwa
Kapag sa banga ni butil ay wala
Ang gubat at ilog may handang biyaya
No'ng unang panahon, ang sikat ng araw
Ay nagpapalago sa bawat halaman
Bakit kaya ngayon kay init ng darang
Ilog tinutuyo, parang tinitigang
No'ng unang panahon, ang patak ng ulan
Pinasasariwa, dahong naninilaw
Ngayo'y nagngangalit, may hanging kasabay
May bahang kasunod na nakamamatay
No'ng unang panahon, ang puso ng tao'y
Marunong magmahal, hindi nanloloko
Sa hapis ng iba'y laang makisalo
Lalong pumayapa at hindi magulo
Pati na ang langit na dati'y kay baba
Ay nagpakalayo sa ulilang lupa
Bathala gumising, tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa
No'ng unang panahon, ang langit at lupa'y
Magkaratig halos laganap ang tuwa
Bathala gumising, tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa
No'ng unang panahon
No'ng unang panahon
No'ng unang panahon



Writer(s): Nonong Pedero-bien Lumbera


Kuh Ledesma - SCE: Ako Ay Pilipino Vol. 1
Album SCE: Ako Ay Pilipino Vol. 1
date of release
07-03-2008




Attention! Feel free to leave feedback.