Mad Generic - Pantalla Lyrics

Lyrics Pantalla - Mad Generic




Umiikot, inaakit, ang mga mata
Nasa langit, mga titig, sa kanyang hulma
Sumasamba sa pantalla
Iba-iba kanyang mukha
Bulong ng ahas sa hardin
Ako ang tangi kong salarin
Luwalhati sa pag-ibig na
Hindi ko rin nadarama, yeah
Ako ang tao sa salamin
Pugot-ulo, dulo-dulo, masundan ka lang
Ang sentido, di na uso, nalinlang na naman
Lumuluhod sa'yong ganda
Kahit walang napapala
Bulong ng ahas sa hardin
Ako ang tangi kong salarin
Luwalhati sa pag-ibig na
Hindi ko rin nadarama, yeah
Ako ang tao sa salamin





Attention! Feel free to leave feedback.