Noel Cabangon - Simpleng Pilipino Lyrics

Lyrics Simpleng Pilipino - Noel Cabangon



Ako ay isang simpleng Pilipino
May simpleng buhay sa bayang ito
Simple rin ang mga pangarap ko
Disenteng buhay, tahanan at trabaho
Ako ay isang simpleng magsasaka
Lupa ng kinagisnang pamana
Araro't kalabaw ang kaulayaw sa tuwina
Ngunit ang punla'y hindi sapat ang bunga
Ako ay isang simpleng mangingisda
Dagat ang buhay ko at pag-asa
Simpleng lambat at bangka ang kasama
Sa laot na marahas, tangan ko ang lampara
Ako ay isang simpleng Pilipino
May simpleng buhay sa bayang ito
Simple rin ang mga pangarap ko
Disenteng buhay, tahanan at trabaho
Ako ay isang simpleng manggagawa
Trabahante sa isang maliit na pabrika
Ngunit ang kita'y di magkasya-kasya
Sa simpleng pangangailangan ng aking pamilya
Ako ay manggagawa sa ibang bansa
Hanap ko doon ay simpleng ginhawa
Ngunit kailangang iwan muna ang pamilya
Dahil dito'y 'di mo tanaw ang sikat ng araw
Ako ay isang simpleng Pilipino
May simpleng buhay sa bayang ito
Simple rin ang mga pangarap ko
Disenteng buhay, tahanan at trabaho
Ako ay isang simpleng maralita sa siyudad
Sa estero't eskinita ako napadpad
Sa tabi ng riles at basurang pugad
Walang katiyakan ang aming pag-unlad
Ako ay isang simpleng guro
Sa isang eskwelahang pampubliko
Ngunit 'di magkasya ang aking sweldo
Kaya't sa tabi ako'y naglalako
Ako ay isang simpleng Pilipino
May simpleng buhay sa bayang ito
Simple rin ang mga pangarap ko
Disenteng buhay, tahanan at trabaho
Ako ay isang simpleng magtataho
Magdamagan ang buhay ko
Mga balikat at paa'y puro na kalyo
Sinusuyod ko ang daan, umaraw ma't bumagyo
Ako ay isang simpleng musikero
Mga simpleng buhay ang inaawit ko
Simple rin ang pangarap ko
Na bawat pilipino'y ganap ang pagkatao
Na-na-na, na-na-na, na-na-na, na-na-na
Na-na-na-na, na-na-na, na-na-na, na-na



Writer(s): Noel Cabangon


Noel Cabangon - Byahe
Album Byahe
date of release
17-03-2014




Attention! Feel free to leave feedback.