Parokya Ni Edgar - Pakiusap Lang - Lasingin Nyo Ako Lyrics

Lyrics Pakiusap Lang - Lasingin Nyo Ako - Parokya Ni Edgar



Sino pa ba'ng hinihintay? Ba't 'di pa tayo sumakay?
Excited na 'kong umalis, sige na please, konting bilis
Saan ba tayo pupunta? Kahit saan, bahala na
Wala 'kong baong extra brief, pwedeng side B ta's auto flip
Biglaan, wala nang oras pa na pagplanuhan
Gusto ko na kasi siyang kalimutan
Kaya't pakibilisan
Saan man tayo magpunta, walang sablay, sobrang saya
Kahit sa'n tayo mapadpad, basta may baon na lapad
'Pagkat kailangan ko na munang mag-relax ng lalamunan
Tapos magpakalunod sa alak ang pusong pagod
Biglaan, biglaan niya na lang akong iniwan
Gusto ko lamang siyang makalimutan
Kaya nagkayayaan
Tara na, samahan niyo 'kong magsaya
Sige na, ayoko munang mag-isa
Sapagkat ngayon lang ako nasaktan nang ganito
Kaya pakiusap lang, lasingin n'yo ako
Tuloy-tuloy niyo lang ang tagay hanggang mawalan ng malay
Loko lang, siyempre naman, maghahanap muna ng away
Loko lang, walang gano'n, gusto ko lamang mag-inuman
Okay lang ang dahan-dahan, ang amats ay 'di kailangan
Na biglaan, relax lang tayo 'pag nag-iinuman
Gusto ko lamang siyang makalimutan
Kailangan lang maglibang
Tara na, samahan niyo 'kong magsaya
Sige na, ayoko munang mag-isa
Sapagkat ngayon lang ako nasaktan nang ganito
Kaya pakiusap lang
Tara na, samahan niyo kong magsaya
Sige na, ayoko munang mag-isa
Sapagkat ngayon lang ako nasaktan nang ganito
Kaya pakiusap lang, lasingin n'yo ako
Kaya pakiusap lang, lasingin n'yo ako
Kaya pakiusap lang
Lasingin n'yo ako



Writer(s): Chito Miranda


Parokya Ni Edgar - Inuman Sessions, Vol. 2
Album Inuman Sessions, Vol. 2
date of release
17-03-2012




Attention! Feel free to leave feedback.