Pio Balbuena - Mismo Lyrics

Lyrics Mismo - Pio Balbuena



Rekta na to wag ka magpakamatay
Lahat tayo may problema wag ka mag papatangay
Hindi naman puro kamalasan lang ang nasa kamay
Naka kotse na si kamatayan wag ka muna sasakay
Mabigat ang dala hindi nga lang halata
Bakit kahit maliwanag parang walang makapa
Nakatago at umiiyak ka ng nakadapa
Sabihin mo saken yung problema mo gano kalala
Yung problema mo sapatos yung iba walang paa
Pero lumalaban sa buhay ng halos walang kaba
Hindi ka mahina ang gusto ko lumaban ka pa
Tumayo ka dyan at punasan mo ang mga mata
Kung hindi mo na alam kung sino ang lalapitan
Kahit patalim ay wala ka ng makapitan
Gano man kalalim ang mga kasawian
Palaging merong Dyos at pwede mo syang masabihan
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Saan ang tamang daan ako ay naliligaw
Pwede umiyak pero walang sukuan
Tuloy ang kwento ng buhay at wag mo namang tuldukan
Naaalala mo pa ba o di mo na matandaan
Yung mga dating nagdaan nakaya mo ngang lagpasan
Kaya ka merong problema eh para lumakas ka
Nakatagong tapang sa loob mo lumabas na
Nakatali sa depresyon sana kumalas ka
Marami pang ibang paraan kahit ano basta
Wag ka mag pa apekto
Walang taong perpekto
Kadalasan marraranasan ang panget na komento
Marami talagang sisira sa maganda mong kwento
Wawasakin nila sa salitang puro imbento
Yan ang gusto ng iba lagi kang nadadapa
Basta kayang tumayo kahit na nasa baba
Teka wag kang lumayo kasi may pag asa pa
Kala mo magisa ka pero may kasama ka
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Saan ang tamang daan ako ay naliligaw
Mukha kang masaya pero di mo maramdaman
Magisa sa kwarto na parang walang malabasan
Kung may nag mamahal sayo ay di mo na matandaan
Akala mo kasi lahat sila walang pakeelam
Naranasan ko na yan naiintindihan kita
Tinapangan nilabanan at mas tinindihan ko pa
Kahit na hindi madali basta palag lang ng palag
Kapag natakot at napagod ay salag lang ng salag
Hindi mo gustong mawala ang Gusto mo matagpuan
Sa mundo na akala mo wala kang matakbuhan
Wag mo lang madaliin maraming pwede puntahan
Wag mong tapusin yung buhay mo ng ganun ganun na lang
Sa lahat ng taong merong depresyong nararanasan
Eto ang tunay na buhay at malubak ang lalakaran
Sa mundo na hindi mo alam kung sino ang kalaban
Masarap mabuhay lalo na kapagka lumalaban
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Saan ang tamang daan ako ay naliligaw



Writer(s): pio balbuena


Pio Balbuena - Dukha
Album Dukha
date of release
05-04-2019




Attention! Feel free to leave feedback.