Poisonhxrzy - Laham Lyrics

Lyrics Laham - Poisonhxrzy



Ikaw ay parang buwan
Ang sarap mong pagmasdan
Kaso lang napakalayo
Ako'y hanggang tingin nalang
Hanggang pikit nalang
Pag nakikita kang nakangiti ay parang
Kinikiliti aking kaluluwa
Nako paano ba?
Tama ko sayo ay di bumababa
Kung ikaw aking kasabay sa byahe
'Di na ako bababa
Meron akong babala
Pwede bang kumapit ka
Baka bigla kang anurin ng bumabaha ko na pagmamahal
Kahit na alam ko na walang mapapala
Gusto ko pa rin na sumugal sa laro ng pagibig
Handa kong gustuhin ang mga hindi ko hilig
Basta ika'y makapiling
San ka ba nanggaling napaka ganda mong sining
Simula nang ika'y dumating
Ikaw na ang naging dahilan kung bakit
Merong ngiti ang aking bawat pag gising
Maniwala ka pag aking sinabing
Ikaw ang palagi kong uunahin
Pag ikaw ay napa sakin, nasayo na lahat
Ano pa ba ang aking hahanapin?
Kapag gusto ay maraming paraan
Gusto kita kaya pwede bang paraan?
Gusto kita kahit maraming iba diyan
Wala kang kapareha
Isang daan pang sila bago ka matumbasan
Ako ay iyong nadale
Wala na akong masabi
Ang bilis lang ng pangyayari
Mundo na makulimlim
Nagkaroon ng bahaghari
Putulin mo na mga sungay ko
Sa ganda mo ay imposible na maumay 'to
'Di ako nagbibiro
'Di ako naglalaro
Lahat ng sinasabi ko
Alam mong tunay 'to
Ikaw yung biyaya na ayaw kong ibahagi sa iba
Kumpleto ako basta ba nariyan ka
Sawa na din naman akong mag-isa
Kaya pwede bang wag kang mawala?
Wag kang mawala
Wag kang mawala
Kasi 'di ko makakaya
Ikaw laging hiling sa tuwing alas onse, onse
Sa'yo ko lang naramdaman ang pebrero katorse
Parang inawitan ng anghel
Pag naririnig ang malamig mo na boses
Samahan mo ako na lumipad pataas
Ako magsisilbi mong payong sa ulan na malakas
Pwede kang sumilong sa aking anino
Pag mainit sa labas
Itatali kung sakaling makalas ang sintas
Kasi nasanay na sayo at ayaw ko sa iba
Ngayon lang ako nagdrama nang ganito ka lala
Daig pa pelikula
Para kang mekanika puso kong sira na
Pinagana mo pa
Aking sinabing
Ikaw ang palagi kong uunahin
Pag ikaw ay napa sakin nasayo na lahat
Ano pa ba ang aking hahanapin?
Kapag gusto ay maraming paraan
Gusto kita kaya pwede bang paraan?
Gusto kita kahit maraming iba diyan
Wala kang kapareha
Isang daan pang sila, bago ka matumbasan
Ako ay iyong nadale
Wala na akong masabi
Ang bilis lang ng pangyayari
Mundo na makulimlim nagkaroon ng bahaghari
Putulin mo na mga sungay ko
Sa ganda mo ay imposible na maumay 'to
'Di ako nagbibiro
'Di ako naglalaro
Lahat ng sinasabi ko
Alam mong tunay 'to
Ikaw yung biyaya na ayaw kong ibahagi sa iba
Kumpleti ako basta ba nariyan ka
Sawa na din naman akong mag-isa
Kaya pwede bang wag kang mawala?
Wag kang mawala
Wag kang mawala
Kasi 'di ko makakaya



Writer(s): Yzrah Pagunzan


Poisonhxrzy - Laham - Single
Album Laham - Single
date of release
07-12-2020

1 Laham




Attention! Feel free to leave feedback.