Regine Velasquez featuring: Tats Faustino - Dadalhin Lyrics

Lyrics Dadalhin - Regine Velasquez featuring: Tats Faustino



Dadalhin
Ang pangarap ko′y nagmula sa 'yo
Sa ′yong ganda ang puso'y 'di makalimot
Tuwing kapiling ka, tanging nadarama
Ang pagsilip ng bituin sa ′yong mga mata
Ang saya nitong pag-ibig
Sana ay ′di na mag-iiba
Ang pangarap ko ang 'yong binubuhay
Ngayong nagmamahal ka sa ′kin ng tunay
At ang tinig mo'y parang musika
Nagpapaligaya sa munting nagwawala
Ang sarap nitong pag-ibig
Lalo pa no′ng sinabi mong...
(Dadalhin) Dadalhin kita sa 'king palasyo
(Dadalhin) Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito′y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko
Nang mawalay ka sa aking pagsinta
Bawa't saglit, gabing lamig ang himig ko
Hanap ko'y yakap mo, haplos ng ′yong puso
Parang walang ligtas kundi ang lumuha
Ang hapdi din nitong pag-ibig
Umasa pa sa sinabi mong...
(Dadalhin) Dadalhin kita sa ′king palasyo
(Dadalhin) Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito'y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko
Umiiyak, umiiyak ang puso ko
Alaala pa ang sinabi mo
Noong nadarama pa ang pag-ibig mo
(Dadalhin) Dadalhin kita sa ′king palasyo
(Dadalhin) Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito'y pinangako mo (pinangako mo)
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko
(Dadalhin kita sa ′king palasyo)
Daldalhin (dadalhin hanggang langit ay manibago)
Daldalhin (dadalhin kita sa 'king palasyo)
Daldalhin (dadalhin hanggang langit ay manibago)
Daldalhin



Writer(s): Faustino Tat S


Regine Velasquez featuring: Tats Faustino - Silver Series Duets
Album Silver Series Duets
date of release
27-10-2006



Attention! Feel free to leave feedback.