The Ultimate Heroes - Kathang Isip (Punk Rock Version) Lyrics

Lyrics Kathang Isip (Punk Rock Version) - The Ultimate Heroes



'Diba nga ito ang iyong gusto?
O, ito'y lilisan na ako
Mga alaala'y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon
Mga gabing 'di namamalayang
Oras ay lumilipad
Mga sandaling lumalayag
Kung sa'n man tayo mapadpad
Bawat kilig na nadarama
Sa tuwing hawak ang 'yong kamay
Ito'y maling akala
Isang malaking sablay
Pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
Sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (Lalayo sa)
Kung gaano kabilis nagsimula
Gano'n katulin nawala
Maaari ba tayong bumalik sa umpisa
Upang 'di na umasa ang pusong nag-iisa
Pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
Sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (Lalayo sa)
Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana
Minsan siya'y para sa iyo
Pero minsan siya'y paasa
Tatakbo papalayo
Kakalimutan ang lahat
Pero kahit saan man lumingon
Nasusulyapan ang kahapon
At sa aking bawat paghinga
Ikaw ang nasa isip ko, sinta
Kaya't pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
Mula sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (Lalayo sa sa'yo)
Lalayo sa sa'yo



Writer(s): Miguel Benjamin G Guico, Paulo Benjamin G Guico


The Ultimate Heroes - Punk Rock Covers
Album Punk Rock Covers
date of release
06-06-2019




Attention! Feel free to leave feedback.