Afterschool - Pangarap Na Lang paroles de chanson

paroles de chanson Pangarap Na Lang - Afterschool




Mayro'ng mga bagay na parang biglaang dumarating
Tanong sa sarili, ano nga ba'ng nangyari, hindi maikubli
Pagpikit ng mga mata, mukha mo ang nakikita
Tinamaan na nga pero parang hindi yata tama
Mga bagay na gustong sabihin
Mga bagay na kay hirap aminin
Kaibigan lang ba sa'yong mata
Sigaw ng isip ko'y ikaw subalit
Tadhana nati'y hindi pwedeng ipilit
Kaibigan lang ba sa'yong mata
Minsan nangangarap nalang sinta
Tuwing magkausap natutulala lang sa'yong ngiti
Bugso ng damdamin pilit nililihim sa'yong mga tingin
Hindi mapapagkaila na ikaw ay nagtataka
Ayaw pagpilitan dahil hahantong lamang sa wala
Mga bagay na gustong sabihin
Mga bagay na kay hirap aminin
Kaibigan lang ba sa'yong mata
Sigaw ng isip ko'y ikaw subalit
Tadhana nati'y hindi pwedeng ipilit
Kaibigan lang ba sa'yong mata
Minsan nangangarap nalang...
Oooh... Oooh-ooh-ooh-ooh-ooh-oohh
Oooh... Oooh-ooh-ooh-ooh-ooh-oohh
Dumadaloy ang luha sa aking pisngi
Kakalimutan lamang ba'ng damdamin o hindi
Mga bagay na gustong sabihin
Mga bagay na kay hirap aminin
Kaibigan lang ba sa'yong mata
Sigaw ng isip ko'y ikaw subalit
Tadhana nati'y hindi pwedeng ipilit
Kaibigan lang ba sa'yong mata
Minsan nangangarap nalang sinta
Nangararap... Nangangarap...
Nangararap... Nangangarap...




Afterschool - Pangarap Na Lang
Album Pangarap Na Lang
date de sortie
29-05-2019




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.