Asin - Damdaming Nakabitin paroles de chanson

paroles de chanson Damdaming Nakabitin - Asin



Ang mga munting bagay
Na iyong ibinigay
Ay lagi kong hawak
Sa aking mga kamay
Sa pamamagitan nila
Ikaw ay nabubuhay
Wala nang mas mahalaga
Sa ala-alang taglay
Ginuguhit ng ulap
Ang maamo mong mukha
Sumasabay sa hangin
Ang iyongga tawa
Ang pumapatak na ulan ay
Parang agos ng luha
Luha ng pagmamahal
Na kumakatok sa bintana
Ang naiwang ala-ala
Ay lagi kong nakikita
Sa lahat ng bagay
Na aking ginagawa
Damdaming nakabitin
Na naghihintay pa rin
Laging naka-abang
Sa iyong pagdating
Kung nasaan ka man
Ay nais kong ipa-alam
Na ang pagmahal sa 'yo
Ay akin nang natutunan
Ang iyong kaligtasan
Ay lagi kong panambitan
At ang iyong pagbalik
Ay lagi kong inaasam



Writer(s): Lolita Carbon, Nonoy Pillora Jr., Pendong Aban Jr., Saro Bañares Jr.


Asin - Himig Ng Lahi
Album Himig Ng Lahi
date de sortie
15-08-2007




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.