Asin - Mga Limot Na Bayani paroles de chanson

paroles de chanson Mga Limot Na Bayani - Asin



Katawan niya'y hubad at siya'y nakapaa
Sa bukid at parang doon makikita
Magsasaka kung siya'y tagurian
Limot na bayani sa kabukiran
Asin ng lupa na pinagpala, magsasaka
Ma-anggo ang amoy ng nasa tabi mo
Dahil sa pawis na natutuyo
Gusaling matataas kaniyang itinayo
Limot na bayani sa pagawaan
Asin ng lupa na pinagpala, manggagawa
Ang bawat patak ng pawis nila
Sa buhay natin ay mahalaga, pinagpala
Maghapong nakatayo itong guro
Puyat sa mukha'y nababakas pa
Lalamuna'y tuyo sa pagtuturo
Limot na bayani sa paaralan
Asin ng lupa na pinagpala, itong guro
Ang bawat patak ng pawis nila
Sa buhay natin ay mahalaga, pinagpala



Writer(s): Fred Aban Jr., Mike Pillora


Asin - 18 Greatest Hits Asin
Album 18 Greatest Hits Asin
date de sortie
03-06-2009




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.