Because - Marlboro Black paroles de chanson

paroles de chanson Marlboro Black - Because



"Masama ka sa′kin, masaya ako sayo
Kaya bakit pa natin ipapipilitan ang hindi pwede?"
Sambit mo sakin pagtapos mong hithitin ang dulo ng 'yong sigarilyo
Magkahawak ang kamay, ngunit ′di mahigpit
At nag-aantay nalang na isa sa'tin ang bumiitaw
Kapalaran na siguro nating masaktan
"Masaya ka sakin, masama ako sayo"
Ngunit ubos na ang lahat, upos nalang ang natira
Tatlong araw na tayong 'di nag uusap
Ni isa sa atin dalawa′y ′lang balak makiusap
Alam nating pareho tayong nagkulang
At ang tayo'y ′la na ring patutunguan
Ngayon bakit nga ba tayo nagkita
Nakalimutan na't tila
Balak nating mag ayos ang lalo sating nagpasira
′Di ba sabi mo noon, kung tayong dalawa'y maghiwalay
Ay magkikita rin sa tamang panahon
Ngayon aking napaisip, papa′no kung ganon
Kung tayong nga talagang dalawa'y bakit pa tayo
Dapat na maghiwalay ngayon
Kung ganon magbiro ang tadhana
Ay dapat, alam nyang 'la ′kong oras makipag biruan ngayon
′Wag mo na 'kong kulitin pa
′Wag ka na ring sumagot kung sakaling kulitin ka
Kung magkasalubong 'wag na natin pansinin
Ang isa′t isat pagkalito'y wag ng kunsintihin pa
Dahil, hindi ko kayang maging kung sinong gusto mo
Ibigay kung anong gusto mo
Ibigay anong nararapat sayo, mahal kita, pero tama na
Dahil, hindi mo kayang maging kung sinong gusto ko
Ibigay kung anong gusto ko
Ibigay anong nararapat sa atin dahil ′di na natin kaya
'Wag ng pilitin kahit pwede
Isipin ang sarili't ′wag na sa′tin dumepende
Mas mahina na nga tayo sa sakiting nagkadengue
'La tayong magagamot kung pareho tayong pasyente
Hindi mo ko kaylangan, at ganun ka rin sa′kin
Libro ng istorya nating dalawa'y sa simula lang kaaya ayang basahain
Sumaya na tayo dati, limot natin ang pasanin
Talagang dapat mong asahan ang ′di mo aakalain
Ba't ba tayo naniwala
Pagmamahalan natin dati pa′y di alintanta
Ngayon dapat na limutin na ang ating alaala
Kaylangan na magbura para matuto tayo lalo parang sulat sa pisara
'Wag mo na 'kong tanungin pa
Masasaktan ka parin kahit aking saluhin ka
Panandaliang marka lang ′to sa′tin parang henna
Pansamantalang pagmamahal 'di dapat ikadena
Dahil, hindi ko kayang maging kung sinong gusto mo
Ibigay kung anong gusto mo
Ibigay anong nararapat sayo, mahal kita, pero tama na
Dahil, hindi mo kayang maging kung sinong gusto ko
Ibigay kung anong gusto ko
Ibigay anong nararapat sa atin dahil ′di na natin kaya




Because - Marlboro Black
Album Marlboro Black
date de sortie
29-01-2018




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.