Ben&Ben - Salbabida paroles de chanson

paroles de chanson Salbabida - Ben&Ben




Bumabaybay sa dalampasigan ng pag-ibig
'Di na namalayang lumayo
Kumakampay pabalik sa may pampang
Subalit 'di na matakasan ang bagyo
Nagsusungit ang hangin
Nagtatampo ang kalangitan
Lumuluha ang mga ulap sa pag-ulan
Sa rumaragasang alon
Ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba?
'Pag hindi na makaahon
Ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba?
Dahil 'di na mag-iisa
Sabi mo, 'di ba, "Kapit ka lang, sinta"?
Salbabida, di-da, da-di-da
Salbabida, di-da, da-di-da
Nangangamba sa mapaglarong banta ng tubig
At parang pagod nang lumangoy
Nakaamba ang mapagkalinga mong pag-ibig
Timbulang sagip sa panaghoy
Umihip man ang hangin
At magdilim ang kalangitan
Panatag lang sa gitna man ng kawalan
Sa rumaragasang alon
Ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba?
'Pag hindi na makaahon
Ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba?
Dahil 'di na mag-iisa, oh
Sabi mo, 'di ba, "Kapit ka lang, sinta"?
Salbabida, salbabida
Salbabida, salbabida, bida-bida-bida
Sa rumaragasang alon
Ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba?
'Pag hindi na makaahon
Ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba?
Dahil 'di na mag-iisa
Sabi mo, 'di ba, "Kapit ka lang, sinta"?
Salbabida, ooh
Salbabida
Salbabida, di-da, da-di-da
Salbabida, di-da, da-di-da, ooh



Writer(s): Jungee Marcelo



Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.