Erik Santos - Muling Buksan Ang Puso paroles de chanson

paroles de chanson Muling Buksan Ang Puso - Erik Santos

Walang hindi man lang dumanas kailanman
Magmahal nang tapat at 'di man lamang nasaktan
'Yan ay sadyang bahagi ng karanasan
Minsa'y nadarapa, paano mapagagaang
Puso mo ay buksan at sa pagpapatawad ilaan
Muling buksan ang pusong minsa'y nagtampo
Magmamasdang muli ang kagandahan ng mundo
Walang hapding mananatiling nasa 'yo
Basta't limutin mo ano mang sakit nito
At ipaanod mo sa agos ng panahong tumatakbo
Alalahanin mong ang buhay nati'y minsan lang
Dusa't ligaya'y kakambal ng nilalang
Mahigpit mong hawakan ang ligaya't sayang
Kung umalis ito'y hindi magbabalik muli
Kaya't buksan ang puso at yakapin mo
Ang kasawian man kung 'yan ang natakda sa 'yo
Bukas magugulat ka pa paggising mo
Ang kapalit nito ay ligaya ngang totoo
'Di ba't bawat tao ay may kani-kaniyang paraiso

Kung nasaktan ka man, 'yan din ay magdaraan
Puso'y muling buksan at sa pagmamahal mo ilaan

Writer(s): Canseco George

Erik Santos - Awit Para Sa'Yo
Album Awit Para Sa'Yo
date de sortie
01-01-2011

Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.