Flict G feat. Yumi - Paglisan (feat. Yumi) paroles de chanson

paroles de chanson Paglisan (feat. Yumi) - YUMI , Flict G



Bakit pa kailangan na masaktan
Ang puso kong ito sa iyong paglisan
Hapdi ang s'yang naramdaman
Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan?
Dahil ba sa huli na ang lahat, sa'yo'y paalam
Sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan
Na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan
Ang umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat
Tinatanong sa'king sarili kung hindi pa ba sapat
Ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo
Bakit kailangan mangyari pa ang mga ganito?
Pilit na inaalala mga bagay na nangyari
Sa'king puso at sa isip, kalungkutan ang naghari
At naghiwalay tayo na 'di man lang nakapag-usap
Hanggang sa huling sandali wala nang pangungusap
Na lumalabas sa labi mo na gusto kung malaman
Kung bakit nagkaganto at bakit mo ko iniwanan
Dahil ba sa sabi-sabi at mga bali-balita
'Di mo na ko tinanong at tuluyan kang naniwala
Sinira mo ang tiwala at ako'y tinalikuran
Bakit kailangan kong masaktan sa iyong paglisan?
Bakit pa kailangan na masaktan
Ang puso kong ito sa iyong paglisan
Hapdi ang s'yang naramdaman
Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan?
Dahil ba sa huli na ang lahat, sa'yo'y paalam
Naghiwalay tayo na kapwa'y may samaan ng loob
At 'di man lang ako nakaangat sa aking pag lubog
Hanggang sa huling sandali, 'di man lang nakapagpaalam
Katagang nais sabihin hindi man lang nabitawan
Na sana'y mag-iingat ka sa lahat ng sandali
'Di na ko muling hahabol at magbabakasakali
Na maibalik ang dati at makapiling sa t'wina
Ang isang katulad mo 'pagkat wala na ngang pag-asa
At hindi talaga tayo ang itinakda ng Diyos
Kaya ang pagsasama natin ay maagang nagtapos
Bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan?
'Di ko lubos maisip ba't ganito ang kapalaran
Bago magtapos ang awit ko sana'y malaman mo
Na wala na akong ibang inibig kung 'di ang katulad mo
Ngayong tapos na ang lahat pati ang awitin kong ito
Salamat 'pagkat naging bahagi ka ng buhay ko
Bakit kailangan humantong sa hiwalayan ang lahat?
Ang nangyari sa relasyon natin, hindi ko matangap
Hindi ako nagkamali at nagkulang sa'yo, sinta
Ngunit anong isinukli, iniwan mong nag-iisa
Walang pagsidlan ang saya no'ng makilala ko ikaw (Bakit pa kailangan na masaktan)
Ngunit lahat ay nagbago noong ikaw at bumitaw (Ang puso kong ito sa iyong)
Tanggap ko na kung 'di ka sa akin, ikaw ay sa kanya (Paglisan)
Mahal kita pero di tayo para sa isa't isa (Hapdi ang s'yang naramdaman)
Kung kaya ko lang pahupain ang nadaramang ito (Hindi na ba maibabalik ang lahat)
Ngunit 'di ko kayang itakwil na lang ang pag-ibig mo (Ng ating nakaraan, dahil ba)
Kasi sobrang mahal kita, 'yan ang pakatandaan mo (Sa huli na ang lahat, sa'yo'y)
At minahal kitang lubos nang higit pa sa buhay ko (Paalam, bakit)
Walang pagsidlan ang saya no'ng makilala ko ikaw (Ba kailangan na masaktan)
Ngunit lahat ay nagbago noong ikaw ay bumitaw (Ang puso kong ito, sa iyong)
Tanggap ko na kung 'di ka sa akin, ikaw ay sa kanya (Paglisan, hapdi ang)
Mahal kita pero 'di tayo para sa isa't isa (Siyang naramdaman)
Kung kaya ko lang pahupain ang nadaramang ito (Hindi na ba maibabalik ang lahat)
Ngunit 'di ko kayang itakwil na lang ang pag-ibig mo (Ng ating nakaraan, dahil ba)
Kasi sobrang mahal kita, 'yan ang pakatandaan mo (Sa huli na ang lahat, sa'yo'y)
At minahal kitang lubos nang higit pa sa buhay ko (Paalam)
Yeah, yeah
Woah-oh-oh



Writer(s): Reymond Rivera


Flict G feat. Yumi - Paglisan (feat. Yumi)
Album Paglisan (feat. Yumi)
date de sortie
21-11-2014



Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.