Freddie Aguilar - Anak Epilog paroles de chanson

paroles de chanson Anak Epilog - Freddie Aguilar



Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi napupuyat ang iyong nanay sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa'yo
Ngayon nga ay malaki ka na
At nais mo'y maging malaya
Di man sila payag walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo
Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa'y para sa'yo
Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong
"Anak ba't ka nagkaganyan?"
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha
Nang di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong
Ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong
Ika'y nagkamali
Kahapon ay nalimot mo
Pati ang masamang bisyo
Laking pasalamat ng magulang mo
Ikaw nga ay tuluyang nagbago
Natagpuan ang sarili
Galaw ng isip mo matuwid na
Patuloy ang takbo ng araw
At ikaw ay natutong umibig
Hindi naglaon at ipinasya
Mong lumagay ka na sa tahimik
Pagka-binata mo'y natapos na
Malapit ka na maging ama
Kaya lalong nagsikap ng husto
Dumating ang iyong hinihintay
Sinilang ang panganay mo
Parang langit ang iyong nadama
Ngayon anak, alam mo na
Kung anong pakiramdam ng maging isang ama
Ganyan din ang nadarama ng iyong
Ama't ina nang ikaw ay makita
Ngayon iyong naramdaman
Ngayon iyong naranasan
Ngayon iyong maiintindihan
Tama pala ang iyong ina
Tama pala ang iyong ama
Ngayon hindi ka na magtataka
Hindi pala birong maging magulang
O ngayon iyong dinaranas
Hindi pala birong maging magulang
O ngayon iyong dinaranas
Hindi pala birong maging magulang
O ngayon iyong dinaranas




Freddie Aguilar - Greatest Hits
Album Greatest Hits
date de sortie
01-06-2001




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.