JMKO - Tabi-Tabi Po paroles de chanson

paroles de chanson Tabi-Tabi Po - JMKO



Magbibilang ako hanggang tatlo
Sabihin mo na, ano ba tayo?
Lumalabo ang paningin
Nag-iiba ang ihip ng hangin kapag kasama ka
Ikaw lang ang nakikita, sinta
Sigaw ng puso ko
Tabi-tabi po, may masasaktan ba? (May masasaktan ba?)
'Pag bilang ng tatlo'y hahanapin kita (hahanapin ka)
Kahit gaano pa katagal (gaano pa katagal)
Ako'y maghihintay para lang sa 'yo
Para lang sa 'yo
Binabakuran mo na naman
Ang puso mong aking inaasam
'Wag kang mag-alala, ito ay aking iingatan
Kung iyong pagbibigyan
Ikaw lang ang tinatangi, sinta
Sigaw ng puso ko
Tabi-tabi po, may masasaktan ba? (May masasaktan ba?)
'Pag bilang ng tatlo'y hahanapin kita (hahanapin ka)
Kahit gaano pa katagal (gaano pa katagal)
Ako'y maghihintay para lang sa 'yo
Oh, Diyos ko
Siya ang tanging hiling ko sa 'yo
Tabi-tabi po, may masasaktan ba (May masasaktan ba?)
'Pag bilang ng tatlo'y hahanap-hanapin kita (hahanapin ka)
Kahit gaano pa katagal
Ako'y maghihintay para lang sa 'yo
Para lang sa 'yo



Writer(s): Mariah Alyssa Moriones


JMKO - Tabi-Tabi Po - Single
Album Tabi-Tabi Po - Single
date de sortie
13-11-2020




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.