Narda - Together Aswang paroles de chanson

paroles de chanson Together Aswang - Narda




(O, hinde!)
Ngayong Undas, kami sa Narda'y kakahol
MC, pass the mic, tayo'y sumampol
Sa mga maligno, d'on nagsimula (ugh)
May naging paniki, may naging daga (hala!)
Ang mga impakta nagliparan
Patungo ng Capiz, kung saan-saan
Ang baranggay tanod ay siyang nagsara (ha-ha)
Ng mga bintana at pinto nila
Ang pulso ng puso ng bawat isa
Madarama alarma, sila'y kabang-kaba
Sa pag-idlip
Ang aswang
Sa panaginip
Katunayan ba
O kathang-isip?
(Narda 2025!)
Sa pagtulog mo
Ang santelmo
Ay sisilip
Katunayan ba
O kathang-isip?
A-ah
Asin, as in!
Bumili ka ng asin
Isabuy sa mukha ng mga diyablo sa hardin
Pisti giatay! Kinatay, ang mga kambing
Kunin ang poon at ating bigkasin
"Aba Ginoong Maria
Sa kubeta, may undin!"
Mamang Albularyo, at mga salitang Latin
Anak ng tokwa! "Ang cocoa
Ay ating inumin,"
Sabi ni Gerry Geronimo
Sa Ating Alamin
Ako'y Ghostbuster
Na may sipang parang Cynthia Luster
Pina-blotter
Si Casper
Tawagin niyo ang caster!
Direk Peque, ang cheke
Dali na't ihanda
Bibida sa Shake Rattle
One to sawa (Action!)
"Oh my God, ang anak ni Janice!"
Ako ay si Katwo, mga halimaw pinanis
Sa pag-idlip
Ang aswang
Sa panaginip
Katunayan ba
O kathang-isip?
(Narda 2025!)
Sa pagtulog mo
Ang santelmo
Ay sisilip
Katunayan ba
O kathang-isip?
A-ah
Sa pagdating
Ng minuto ng hiwaga
Damong Maria nati'y
Nagbabaga
Lahat ay gising
Mula kabaong, mula kama
Diwa natin ay
Muling nagsama-sama
Kung multo ang pag-uusapan
D'on sa Magandang Gabi Bayan
Si Ka Noli ay iyong madaratnan
Sa kamera, biglang may dadaan
Kung ang nais kababalaghan
Sementeryo ang 'yong hantungan
Meron d'on mga mambabarang
At aswang



Writer(s): Wincy Aquino Ong



Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.