Ogie Alcasid - Ngayon At Kailanman paroles de chanson

paroles de chanson Ngayon At Kailanman - Ogie Alcasid



Ngayon at kailanman
Sumpa ko'y iibigin ka ngayon at kailanman
Hindi ka na mag-iisa ngayon at kailanman
Sa hirap o ginhawa pa, asahan may kasama ka, sinta
Naroroon ako t'wina
Maaasahan mo t'wina
Ngayon at kailanman
Dahil kaya sa 'yo
Nang maitadhanang ako'y isilang sa mundo?
Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman, ikaw ay mapaglingkuran, hirang
Bakit labis kitang mahal?
Pangalawa sa Maykapal
Higit sa 'king buhay
Sa bawat araw, ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas
Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin ay 'di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at 'di na gumalaw
Subalit isang araw pa, matapos ang mundo'y magunaw na
Hanggang doon magwawakas
Pag-ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman
Sa bawat araw, ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas, whoa
Sa bawat araw, ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon (ngayon at kailanman, whoa-oh-oh)
Na daig ng bawat bukas
Labis kitang mahal (ngayon at kailanman)
Tangi sa Maykapal
Ngayon at kailanman



Writer(s): Canseco George


Ogie Alcasid - Ngayon At Kailanman (A Tribute To George Canseco)




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.