Paulo Avelino - Gaano Kadalas Ang Minsan paroles de chanson

paroles de chanson Gaano Kadalas Ang Minsan - Paulo Avelino



Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan
Sindalas na rin ng dami ng bituin waring walang hanggan
Dahil sa labi ko'y laging mararamdaman
Kahit sandali halik mo'y dumampi minsan
Gaano kadalas ang makapiling kang minsan
Sa 'kin sindalas ng walang wakas, saglit man mapisan
Dahil sa ganon paraan lang mag-iisa
Kung magsasanib ang dalawang dibdib diba
Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan
Hapdi'y walang kasing dalas
Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan
Kahit minsan lang sa'kin para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan
Dahil ang pag-ibig kung hindi rin lang wagas
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan
Hapdi'y walang kasing dalas
Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan
Kahit minsan lang sa'kin para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan
Gaano kadalas, gaano kadalas
Ang minsan



Writer(s): George Canseco


Paulo Avelino - Paulo Avelino
Album Paulo Avelino
date de sortie
01-10-2012




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.