Poisonhxrzy - Hindi Na Talaga paroles de chanson

paroles de chanson Hindi Na Talaga - Poisonhxrzy



Habang pinagmamasdan ko ating relasyon
Laki ng pagbabago ba't ganon
Parang nakatitig sa kandila na nauupos
Nagbago na lahat
Tiwala ay nawasak tila tinamaan ng unos
Siguro yung tayo ay dapat nang matapos
Na para bang pelikulang masaya lamang sa simula
Ngayon ay nandito na sa dulo
Pinaglaban ko naman pero ako'y natalo
Kaya dapat sigurong isuko na 'to
Ayoko na 'to
Nakakalito
Pag-ibig ay lagnat ang sakit sa ulo
Walang napala kundi ang luha ay tumulo
Salamat sa aral ako'y natuto na maging anghel man ay tuso
Kala ko'y tupa ikaw pala ay lobo yeah
Bigla mong nilapa itong aking puso
Salamat sa aral ako'y natuto na maging anghel man ay tuso
Kala ko'y tupa ikaw pala ay lobo yeah
Bigla mong nilapa itong aking puso
Ginawa ko na lahat pero hindi na talaga
Kayang sagipin yung tayong dalawa
Presensya mo sinta'y 'di ko na rin madama
Para saan pa ba kung hindi ka na masaya
Mga puso natin ay ginagawa nating tanga
Gusto ko pa sana, ikaw gusto mo pa ba
'Di na tama 'to kaya pwede bang tama na
Nandiyan ka na naman kasi para kang wala
Naman narin naman tong patutunguhan
Saan hahantong kung ipaglalaban
Nabasag na rin ang ating pinagsamahan
'Wag nang buohin para 'di na masugatan
Mababalik sa dati 'di na talaga
Bumitaw ako kasi bumitaw ka na
Para saan pa ba kung wala na talaga
Yung tayong dalawa ay wala na talaga
Wala na talaga
Wala na talaga
Wala na talaga
Mababalik sa dati hindi na talaga
Hindi na talaga
Hindi na talaga
Hindi na talaga
Mababalik sa dati hindi na talaga



Writer(s): Yzrah A. Pagunzan


Poisonhxrzy - Hindi Na Talaga
Album Hindi Na Talaga
date de sortie
16-09-2020




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.