Quest - Unang Hakbang paroles de chanson

paroles de chanson Unang Hakbang - Quest



Ayoko na dito
Sawa na ′ko dito
Hingang malalim, damhin ang hangin
Tingala sa langit, 'di pa ′to tapos
Meron pang galit
Inamo, inakit, paasa, pasakit
Pusong naghikahos, kumapit ako, kahit ano gagawin ko
Pero bakit gan'to nangyari sa 'yo? Bakit ako?
Pwede na ′kong sumuko, dito na lang sa dulo
Pero sinubukan kong matuto
′Yung 'di na mababago, bitawan mo na
Sa paghilom ng sugat, may bagong simula
Maniwala ka man o hindi
Lahat yan ay mayro′ng silbi, sige
Pwede ka nang kumawala
Diyan sa rehas mong gawa-gawa
'Wag nang magpanggap na nawawala
Wala namang mawawala kung magsimulang muli
Pagbigyan mo ang bukas
′Wag kang matakot umusad
Kapag nahanap ang lunas
Ang nakaabang ay walang katulad
Ang puso'y namulat
May mga patunay na sugat
Mas malakas ka na ngayon
Tumingala ka sa ulap
Kwento ng tagumpay
Ang pinakahihintay
′Kala mo tapos na
Muntik ka pang bumigay
Ngayon nagdiriwang ang langit
Simulan mo na ulit umawit
Ibaon ang noon para sa ngayon
Unang hakbang
Kung gusto mo ng bago iwanan mo yan
Hilumin ang sugat, ito lang ang paraan
Maniwala ka man o hindi
Lahat yan ay mayro'ng silbi, sige
Pwede ka nang kumawala
Diyan sa rehas mong gawa-gawa
'Wag nang magpanggap na nawawala
Wala namang mawawala kung magsimulang muli
Buksan mo ang ′yong mga mata
Para hindi ka na nangangapa
′Di mo na kailangan pang mangamba
Magpaalam sa nakaraan at magsimulang muli
Ayoko na dito (hindi kita iiwan)
Ayoko na dito (hindi kita iiwan)
Ayoko na dito (hindi kita iiwan)
Sawa na 'ko dito
Pwede ka nang kumawala
Diyan sa rehas mong gawa-gawa
′Wag nang magpanggap na nawawala
Wala namang mawawala kung magsimulang muli
Buksan mo ang 'yong mga mata
Para hindi ka na nangangapa
′Di mo na kailangan pang mangamba
Magpaalam sa nakaraan at magsimulang muli
Magsimulang muli
Magsimulang muli



Writer(s): Jose Villanueva Iii


Quest - Unang Hakbang
Album Unang Hakbang
date de sortie
04-08-2017




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.