South Hood Boys feat. Lyuan - Diwata paroles de chanson

paroles de chanson Diwata - South Hood Boys



Iminulat ang aking mata, nakita kita
Na isang maganda na diwata
Naglalakbay ang paningin, at hinipan na ng hangin
Sa′yo ako napatingin
Sa ganda ng iyong mga ngiti at sa
Dami nila, ikaw ang aking pinili
Ikaw na ata ang dalagang Pilipinang
Hinanap ko sa umaga at tanghali
Di masisisi kung bakit ganto nadarama
Sobrang saya kalimutan ang problemang iniinda
Wala na akong hahanapin pang iba
Ikaw na kailangan ko paggising sa umaga
Alas syete ng umaga at ikaw ang naalala
Napatitig, nabighani sa mukha mong mala-dyosa
Na hiling sa kanya kung pwede bang
Makasamang pagmasdan ang tala
Teka pwede bang sumama
Dito sa isang diwata?
Kahit timog at hilaga
Abot langit pati sa lupa
Gabi hanggang umaga
Bumangon na sa kama
Isa ka sa mahiwaga
Babalutin ng alaga (tatak South Hood)
Hindi man alintana sa bintana nakadungaw ang isang binata
Nagmumuni-muni at napapaisip
Kung maaari bang mahawakan ang kamay ng dalagang
Matagal nang minimithi na makasama habang buhay
Ito lang ang siyang magsasabi na siya ay nagwagi
Hindi man sa pag-aari kundi ang pagmamay-ari
Sa kanyang pag-ibig na walang humpay
Na nagbibigay-kasiyahan dun pa lang sapat na
Bawat ngiti na galing sa iyong bibig
Ewan ko ba bakit nahulog at ako ay napatitig
Ng matagal, nauutal, napadasal na lang bigla
Lakas ng tama, ha ha ha ha (ha ha ha ha)
Halika na gustong hawakan iyong mga kamay
Hindi sanay sa kalungkutan na iyong biglang taglay
Ano mang mangyari, hindi ka susukuan
Handang lumaban, ikaw ang aking sandalan (ha ha ha ha)
Teka pwede bang sumama
Dito sa isang diwata?
Kahit timog at hilaga
Abot langit pati sa lupa
Gabi hanggang umaga
Bumangon na sa kama
Isa ka sa mahiwaga
Babalutin ng alaga (yeah)
Hay, ano ba naman yan pare
Nakatingin ka na naman sa kanyang larawan
Ano ba yan?
Tama na yan
Nahihibang ka na eh
Ano ba
Tara
Tara na
Sige ka, bahala ka dyan
Nababaliw ka na eh
Hahaha, ano ba
Teka pwede bang sumama
Dito sa isang diwata?
Kahit timog at hilaga
Abot langit pati sa lupa
Gabi hanggang umaga
Bumangon na sa kama
Isa ka sa mahiwaga
Babalutin ng alaga (yeah)
Maria Juana, asan ka na ba
Ikaw ang nakakita sa aking halaga
Nandito lang ako tumitingin sa iyong bintana
Naghihintay sa sulyap ng iyong mga mata
Ikaw pa din at ikaw lang kasi
Yung pipiliin dahil sabik sa iyong mga ngiti
Pag kasama ang mahiwagang kagaya mo
Ayos lang sa akin buhay na magulo




South Hood Boys feat. Lyuan - Diwata
Album Diwata
date de sortie
06-11-2019

1 Diwata




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.