The Ultimate Heroes - Pagsamo paroles de chanson

paroles de chanson Pagsamo - The Ultimate Heroes



Kung bibitaw nang mahinahon, ako ba'y lulubayan ng ating
Mga kahapon na 'di na kayang ayusin ng lambing?
Mga pangako ba'y sapat na upang muli tayong
Ipagtagpo ng hinaharap?
Ba't pa ipapaalala?
'Di rin naman panghahawakan
Ba't pa ipipilit
Kung 'di naman (kung 'di naman) tayo ang
Para sa isa't isa?
'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon
Para sa isa't isa?
Ba't 'di sumang-ayon sa 'tin ang panahon?
Siguro nga'y wala nang natira sa mga sinulat mo na para sa 'kin
Alam kong luha ang bumubura ngunit hayaan mo na lang
Walang saysay ang panalangin ko kung 'di ako ang hahanapin mo
Kahit sigaw pa ang pagsamo ko sa 'yo, bakit 'di mo dama ito?
Ba't pa ipapaalala?
'Di rin naman panghahawakan
Ba't pa ipipilit
Kung 'di naman (kung 'di naman) tayo ang
Para sa isa't isa?
'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon
Para sa isa't isa
Ba't 'di sumang-ayon sa 'tin ang panahon?
Para sa isa't isa
'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon (tayo)
Para sa isa't isa?
Ba't 'di sumang-ayon sa 'tin ang panahon?
Panahon, panahon
Panahon



Writer(s): Arthur Nery


The Ultimate Heroes - PAGSAMO
Album PAGSAMO
date de sortie
10-12-2021




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.