Toto Sorioso - Gabing Kulimlim paroles de chanson

paroles de chanson Gabing Kulimlim - Toto Sorioso



Pagsapit ng gabing kulimlim naririto Ako
Papawiin Ko ang lumbay mo
Kukumutan ka ng saya
At aakayin Ko ang pagsikat ng umaga
Yakapin mo'ng kaloob Kong buhay sa iyo
Sa piling Ko damhin mo ang mundo
Sa kapwa mo muling mabibigo
Kapayapaan Ko lamang ang sasagip sa iyo
Anumang tagal ng gabi, kasama mo Ako
Di mo man tanto, narito Ako
Ang buhay Ko'ng nagdudulot ng buhay sa iyo
Kadilimang ito ay kakayanin mo
Pagsapit ng gabing kulimlim naririto Ako
Papawiin Ko ang lumbay mo
Kukumutan ka ng saya
At aakayin Ko ang pagsikat ng umaga



Writer(s): Manuel V Francisco, J.i. Sj


Toto Sorioso - Gabing Kulimlim
Album Gabing Kulimlim
date de sortie
19-04-2019




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.