Toto Sorioso - Hesus Ng Aking Buhay paroles de chanson

paroles de chanson Hesus Ng Aking Buhay - Toto Sorioso



Sikat ng umaga
Buhos ng ulan
Simoy ng dapithapon
Sinag ng buwan
Batis na malinaw
Dagat na bughaw
Gayon ang Panginoon kong
Hesus ng aking buhay
Saan man ako bumaling
Ika'y naroon
Tumalikod man sa 'yo
Dakilang pag-ibig mo
Sa akin tatawag at magpapaalalang
Ako'y iyong iniibig
At siyang itatapat sa puso
Tinig ng kaibigan
Oyayi ng ina
Pangarap ng ulila
Bisig ng dukha
Ilaw ng may takot
Ginhawa ng aba
Gayon ang Panginoon kong
Hesus ng aking buhay
Saan man ako bumaling
Ika'y naroon
Tumalikod man sa 'yo
Dakilang pag-ibig mo
Sa akin tatawag at magpapaalalang
Ako'y iyong ginigiliw
At siyang itatapat sa puso
Saan man ako bumaling
Ika'y naroon
Tumalikod man sa 'yo
Dakilang pag-ibig mo
Sa akin tatawag at magpapaalalang
Ako'y iyong ginigiliw
At siyang itatapat sa puso
At siyang itatapat sa puso




Toto Sorioso - Hesus Ng Aking Buhay
Album Hesus Ng Aking Buhay
date de sortie
08-02-2019




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.