Aiza Seguerra - Limang Dipang Tao текст песни

Текст песни Limang Dipang Tao - Aiza Seguerra



Limang dipang taong nagtutulakan
Sa abenidang aking napagdaanan
Nag-aabang ng masasakyan
Patungo kung saan, 'di ko malaman
Sa aking dyipning sinasakyan
Mayro'ng natanaw na mama
Sa dinami-raming nagdaraan
Ikaw pa ang nakita
Ikaw pa ang nakita
May kasamang dalaga
Para, mama, dito na lang
Bababa na ako
Para, mama, dito na lang
Heto ang bayad ko
Para na sabi, para na sabi
Para, mama, para na d'yan sa tabi
Limang dipang taong nagtutulakan
Ang dinaanan ko sa paghabol sa 'yo
Tinatanaw ang pag-akay mo
Sa dalagang pinagseselosan ko
Sa pagmamadali, nadapa ako
Sa bangketang kinatatayuan niyo
Lumapit ka, tinulungan ako
At kita'y tinitigan
Mga mata'y nagkabanggaan
Ano ba itong naramdaman?
Sorry, mama, pasensiya ka na
Akala ko'y asawa kita
Sorry, mama, pasensiya ka na
Sorry't naabala ka pa
Sorry na sabi, sorry na sabi
Sorry, mama, sorry't napagkamalan ka
Limang dipang taong nag-uunahan
Sa unting sasakyang nagdaraan
Sayang ang dyipning kanina'y lulan
At ngayo'y nagsisisi
Sa aking pagbubusisi
Malaking pagkakamali
Para, mama, sasakay po
Limang dipang taong nag-uunahan
Para, mama, sasakay po
Limang dipang taong nagtutulakan
Para na sabi, para na sabi
Para, mama, para na d'yan sa tabi
Para na sabi, para na sabi
Para, mama, para na d'yan
Sa tabi



Авторы: Ryan Cayabyab


Aiza Seguerra - Araw Gabi Mga Awit Ni Maestro Ryan
Альбом Araw Gabi Mga Awit Ni Maestro Ryan
дата релиза
18-05-2015




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.